Pagtatatag na muli ng DNA ay isang komplikadong serye ng pagsusuri ng DNA na maaaring isagawa kapag ang diumano’y ama ay hindi available para sa pagsusuri sa pagka-ama at iba pang genetic test, tulad ng pagsusuri ng DNA sa lolo o lola, ay hindi posibleng maisagawa para malaman (indirectly) kung sino ang ama ng isang bata.
Sa pamamagitan ng paghahambing ng DNA profile ng isang bata sa ilan sa mga kilalang kamag-anak ng umano’y ama, maisasagawa ang pagsusuri ng DNA para sa Genetic Reconstruction upang matukoy kung may biyolohikal na kaugnayan ang bata sa mga kamag-anak ng umano’y ama. Ang mga nasuring partido naman ay maaaring interpretahin ang resulta ng pagsusuri bilang isang hindi direktang indikasyon kung ang bata ay may kaugnayan o wala sa umano’y ama na hindi available.