Pagsusuri sa magkapatid (Siblingship testing) mula sa DNA Diagnostics Center ay maaaring makatulong sa dalawang indibidwal upang mapatunayan kung sila ay buo o kalahating kapatid. Ang ganitong uri ng pagsusuri ay kadalasang isinasagawa kapag ang diumano’y ama ay hindi available para sa pagsusuri sa pagka-ama, at gustong malaman ng diumano’y magkapatid kung ang isa o dalawang magulang nila ay magkapareho.
Ang DNA Diagnostics Center ay nagsasagawa ng dalawang uri ng pagsusuri para sa magkapatid:
- Pagsusuri para sa kalahati kapatid — Ang pagsusuri na ito ay isinasagawa kapag ang dalawang diumano’y magkapatid ay naniniwala na pareho sila ng isang biyolohikal na magulang (halimbawang ang dalawang magkapatid ay magkaiba ng biyolohikal na ina ngunit gustong malaman kung pareho sila ng biyolohikal na ama)
- Pagsusuri para sa buong kapatid — Ang pagsusuring ito ay isinasagawa kapag ang dalawang magkapatid ay magkapareho ng isang biyolohikal na magulang at gustong malaman kung magkapareho sila ng dalawang magulang (halimbawang ang dalawang magkapatid ay pareho ng biyolohikal na ina at gustong malaman kung pareho rin sila ng biyolohikal na ama)